Inaantok

Inaantok na ako. Kailangan ko nang umuwi. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Pwede naman akong umuwi agad. Puwede ko naman ‘tong gawin sa bahay. Pero kapag nasimulan ko na ang isang bagay, tuluy-tuloy na. Wala nang atrasan.

Lagot ako sa misis ko nito. Maliwanag na. Ano kayang sasabihin niya? O baka pagdating ko masyado siyang inaantok kaya hindi niya ako mamamalayan? Kung nakakapag salita ang anak ko, ano kayang sasabihin niya?

Sana matuto akong magpigil. Disiplina lang ‘ata ‘to, eh.

Inaantok na ako at mabigat na ang mga mata ko. Mahapdi na din ang sikmura. Nanlalamig din ang mga daliri. Tama na. Uwi na.