Inaantok

Inaantok na ako. Kailangan ko nang umuwi. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Pwede naman akong umuwi agad. Puwede ko naman ‘tong gawin sa bahay. Pero kapag nasimulan ko na ang isang bagay, tuluy-tuloy na. Wala nang atrasan. Lagot ako sa misis ko nito. Maliwanag na. Ano kayang sasabihin niya? O baka pagdating ko masyado siyang inaantok kaya hindi niya ako mamamalayan? Kung nakakapag salita ang anak ko, ano kayang sasabihin niya?

Tungkol sa Pagsisimula

Pang-apat na subok ko na ito na gumawa ng blog. Yung una, manu-mano ang pagkagawa. Plain-HTML. Buhay pa at mahahahanap kung sisipagin. Yung pangalawa at pangatlo, nabuhay lang ng mga ilang posts bago napabayaan. Yung huli naman ay nasawi pagkatapos ng isang post. Oo, isa lang. Walang pahiwatig na mas papalarin ang blog na ito kaya bakit pa ba ako nagpupumilit? Ang mga susunod ay ilan sa mga naiisip kong dahilan: